Posts

Showing posts from August, 2025

PANAYAM NA NAGMULAT NG LUMANG ALITAN

Image
  Dahil sa pangangailangan sa buhay, si Jaylord ay naghahanap ng trabaho upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Sa araw na ito, marami nang kompanya ang kaniyang sinubukan at pinuntahan, ngunit sa kasamaang palad ay wala sa mga ito ang tumanggap sa kaniya. Habang siya'y naglalakad na pauwi, may isang kompanya ang nakaagaw ng kaniyang pansin kaya nabuhayan ang kaniyang loob at kaniya itong sinubukan. Pagpasok niya rito, ramdam ang kabog ng kaniyang dibdib at siya'y nagdarasal na sana ito na ang kompanya na tatanggap sa kaniya. Ngunit, pagpihit niya ng pinto ng interview room, hindi maipinta ang kaniyang nararamdaman pero nanatili siyang kalmado.  Sa silid na ito, nakita niya ang kaaway ng kaniyang ina na minsan na niya itong naging kaibigan.Hindi agad siya naka-imik sa nakita ngunit pinagsawalang bahala niya ang alitan na meron ang kaniyang ina at ang mag-iinterview sa kaniya. Sa kabila ng mga ito, nginitian pa rin niya ang ginang at bahag yang yumuko bilang tanda ng pagrespeto...