PANAYAM NA NAGMULAT NG LUMANG ALITAN
Dahil sa pangangailangan sa buhay, si Jaylord ay naghahanap ng trabaho upang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Sa araw na ito, marami nang kompanya ang kaniyang sinubukan at pinuntahan, ngunit sa kasamaang palad ay wala sa mga ito ang tumanggap sa kaniya. Habang siya'y naglalakad na pauwi, may isang kompanya ang nakaagaw ng kaniyang pansin kaya nabuhayan ang kaniyang loob at kaniya itong sinubukan.
Pagpasok niya rito, ramdam ang kabog ng kaniyang dibdib at siya'y nagdarasal na sana ito na ang kompanya na tatanggap sa kaniya. Ngunit, pagpihit niya ng pinto ng interview room, hindi maipinta ang kaniyang nararamdaman pero nanatili siyang kalmado. Sa silid na ito, nakita niya ang kaaway ng kaniyang ina na minsan na niya itong naging kaibigan.Hindi agad siya naka-imik sa nakita ngunit pinagsawalang bahala niya ang alitan na meron ang kaniyang ina at ang mag-iinterview sa kaniya.
Sa kabila ng mga ito, nginitian pa rin niya ang ginang at bahag yang yumuko bilang tanda ng pagrespeto. Ngunit lumipas na ang isang minuto ajny wala pa rin sa kanila ang nagsasalita at pinakikiramdaman pa lang nila ang isa't isa. Dahil dito, inisip na lang ni Jaylord ang rason kung bakit siya narito sa silid na ito.
Dahil dito ay naging maayos ang usapan ng dalawa at lubos namang nakikinig si Anna sa Ginang para sa magiging trabaho nito. Naging matagumpay ang interview ni Jaylord at tuluyan syang napili para sa trabaho. Bago siya umuwi, nakipag-kamayan muna ito sa Ginang at hindi na mawala-wala ang ngiti sa kaniyang labi sa lubos na kasiyahan. Sa sitwasyong ito, natutunan natin na hindi hadlang ang alitan ng ating mga magulang sa daan ng ating buhay.
GROUP 4
MEMBERS:
MARLEA PERALTA
MHYRNELIN TACUD
JAYLORD BARBIETO
ANNA LYKA TORCUATO
CRISTELLE RAGASA
MARIANE APANAPAO
Comments
Post a Comment